Tagalog

Kailangan ng tulong sa pagbabayad ng iyong bayarin sa kuryente at tubig?

Kung hindi mo nabayaran ang iyong bayarin para sa kuryente, natural na gas o tubig sa panahon ng pandemyang COVID-19, may makukuhang tulong.

Tawagan ang kompanya ng iyong kuryente at tubig. Tanungin ang dalawang tanong na ito:

  • Sa anong mga programa ng tulong ka kwalipikado?
  • Pwede ka bang magtakda ng plano ng pagbabayad sa mga hindi nabayaran sa takdang petsa?

Kailangan ng tulong sa pakikipag-ugnayan sa kompanya ng iyong kuryente, natural na gas o tubig? Ilagay ang iyong address sa mapa sa pahinang ito: https://www.commerce.wa.gov/utility-assistance/.

Maaari kang maging kwalipikado para sa pederal na programa na tumutulong sa mga tao na bayaran ang mga bayarin sa kuryente at tubig.

Depende sa iyong sweldo, maaari kang maging kwalipikado para sa pederal na programang tinatawag na “LIHEAP” (programang pantulong sa enerhiya sa tahanan para sa mababa ang sweldo). Binubuo ang isang bago at katulad na programa para sa mga bayarin sa tubig. Ang mga ito ay ilan sa mga halimbawa ng mga antas ng kwalipikadong sweldo:

  • Ang sukat ng sambahayan ay 1 tao = ang kita ay mas kaunti sa $1,595 kada buwan o $19,140 kada taon
  • Ang sukat ng sambahayan ay 2 tao = ang kita ay mas kaunti sa $2,155 kada buwan o $26,860 kada tao
  • Ang sukat ng sambahayan ay 4 na tao = ang kita ay mas kaunti sa $3,275 kada buwan o $39,300 kada taon

Para sa impormasyon, tumawag sa 2-1-1 o tumawag sa lokal na “ahensya ng pag-aksyon sa komunidad” kung saan ka nakatira. Gamitin ang mapa na ito para mahanap ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan: https://fortress.wa.gov/com/liheappublic/Map.aspx

May makukuhang mga sanggunian na makakatulong sa iba pang bayarin. Tumawag sa 2-1-1 para sa impormasyon.

Nag-iwan ang pandemya ng mga di-inaasahang bayarin sa maraming tao sa Washington. Hindi ka nag-iisa. Tumawag sa 2-1-1 para makipag-usap sa isang indibidwal na makakapag-ugnay sa iyo sa mga programang makakatulong sa mga tao sa pagbabayad ng mga bagay tulad ng renta, pagkain, broadband at marami pang iba.

Last Updated 2021-06