Magagamit ang tulong sa pag-upa sa panahon ng COVID-19
Kung hindi ka pa nakakabayad ng upa o nanganganib kang mapalayas, mayroon kang tatlong opsyon.
- TULONG SA PAG-UPA. Tumutulong ang mga lokal na organisasyon sa buong estado na magbigay ng tulong sa pag-upa. Ikaw o ang iyong kasera ay puwedeng makipag-ugnayan sa lokal na organisasyon sa inyong county para sa impormasyon kung paano mag-a-apply.
Listahan: https://www.commerce.wa.gov/serving-communities/homelessness/eviction-rent-assistance-program/
Kung isa kang nangungupahan na wala pang 25 taong gulang, makipag-ugnayan sa lokal na provider ng programa ng Tulong sa Pag-upa para Hindi Mapalayas ang mga Kabataan at Mga Nakababatang Adulto. Listahan: https://www.commerce.wa.gov/serving-communities/homelessness/youth-and-young-adult-eviction-rent-assistance-program/ - PROGRAMA NG RESOLUSYON TUNGKOL SA PAGPAPALAYAS. Ikaw o ang iyong kasera ay puwedeng makipag-ugnayan sa inyong lokal na sentro ng resolusyon tungkol sa di-pagkakaunawaan sa county kung saan kayo nakatira. Puwedeng makatulong ang mga sentrong ito para malutas ang mga isyung nauugnay sa pagpapalayas. Listahan: org/locations
- KARAPATAN SA PROGRAMA NG LEGAL NA PAYO. Ang mga nangungupahan na tumatanggap ng pampublikong tulong o napakababa ng kinikita — $25,760 na taunang kita para sa isang indibidwal o $53,000 para sa pamilyang may apat na miyembro – ay puwedeng magpatulong sa mga abogado nang libre para sa mga paglilitis tungkol sa pagpapalayas. Makipag-ugnayan sa Linya ng Pagsusuri para sa Depensa tungkol sa Pagpapalayas 855-657-8387 o mag-apply online sa org/apply-online.
Alamin ang higit pa mula sa Pangkalahatang Abogado (Attorney General) ng estado
Nagbibigay ang Office of the Attorney General (Opisina ng Pangkalahatang Abogado) ng karagdagang impormasyon tungkol sa batas at patakaran sa maraming wika tungkol sa mga programang ito at iba pang mga isyu ng kasera-nangungupahan sa atg.wa.gov/landlord-tenant.
Tumawag sa 2-1-1 para sa impormasyon tungkol sa tulong sa iba pang gastusin
Bisitahin ang wa211.org o tumawag sa 2-1-1 upang makipag-usap sa isang tao na maaaring makapagbigay ng impormasyon upang matulungan ang mga tao na bayaran ang mga bagay-bagay gaya ng bayarin sa enerhiya, pagkain, broadband at marami pa.
Last Updated 2021-10
- ኣማርኛ (AM)
- العربية (AR)
- Chuuk (CHK)
- Duetch (DE)
- Español (ES)
- فارسی (FA)
- Français (FR)
- हिन्दी (HI)
- Lus Hmoob (HM)
- 日本語 (JP)
- ကညီ ကျိာ် (KAR)
- ខ្មែរ (KM)
- 한국어 (KO)
- ພາສາລາວ (LAO)
- Kajin Majōl (MH)
- Tu’un Savi (MX)
- မြန်မာစာ (MY)
- नेपाली (NE)
- Afaan Oromoo (OM)
- ਪੰਜਾਬੀ (PA)
- Português (PT)
- Limba română (RO)
- русский язык (RU)
- Gagana Samoa (SM)
- Af-Soomaali (SO)
- Kiswahili (SW)
- தமிழ் (TA)
- తెలుగు (TE)
- ภาษาไทย (TH)
- ትግርኛ (TI)
- Tagalog (TL)
- українська мова (UK)
- ارُدُو (UR)
- Tiếng Việt (VI)
- 简体中文 (ZHS)
- 繁體中文 (ZHT)